Wednesday, April 22, 2015

Buhay Guro

Tungkulin ng mga Guro sa kanilang mga Estudyante
Guro, sino nga ba sila? Ang mga Guro ay ang pinaka mahalagang parte ng ating lipunan. Layunin nila ay hindi upang lumikha ng mga mag-aaral sa kanilang sariling imahe, ngunit upang bumuo ng mga mag-aaral na maaaring gumawa ng kanilang sariling imahe. Ngunit hindi madali ang pagiging Guro dahil maraming sakripisyo, responsibilidad at tungkulin na dapat gawin ang isang Guro. 
Maraming tungkulin ang mga Guro sa kanilang mga mag-aaral isa na dito ay ang paraan ng pagpapalawak ng kanilang kaalaman. Para mapadali ito dapat gumawa sila ng “lesson plan” upang gawing gabay sa pagtuturo at paggamit ng mga “visual aid” tulad ng sa Manila Paper o sa kartolina na may palamuti upang masiyahan ang mga mag-aaral na makinig sa guro. Isa rin sa paraan ang pagsali ng mga iba’i-ibang paligsahan upang mahasa ang mga mag-aaral na maipakita at maipalabas ang mga kaalaman sa iba’t-ibang tao. Tulad ng mga “Quiz bee” sa mga asignatura ng Matematika, agham at iba pa. Mainam rin ang pagsali ng mga kompetisyon sa sayawan , kantahan at iba pa na naipapakita ang talento ng isang mag-aaral. Isa lang ito sa mga paraan na hindi lang karunungan ang kanilang maipapakita kundi ang mga iba’t-ibang talentong mayroon ang isang mag-aaral.
Isa rin sa tungkulin ng guro ay pagtuturo ng maging mabuting tao at mamamayan sa lipunan ang mga mag-aaral isa dito ang maging pangalawang ina o ama sa mga estudyante. Pakinggan ang mga problema o mga hinanakit ng mga mag-aaral at pagbibigay ng mga mabuting payo na makakatulong na mapalawak ang isipan ng isang mag-aaral. Maging isang rin modelo o ihemplo sa mag-aaral. Pumasok ng matiyaga kahit pasaway at makulit ang mga mag-aaral. Magbahagi ng mga kwento na magabayan sa tamang landas tulad ng “Inspirational stories”, pagbabahagi ng salita ng Diyos. Sa ganitong paraan ay nakikita ng mga mag-aaral ang kayusahan at kagalingan ng isang guro sa mga mag-aaral.
Lahat ng mga mag-aaral ay may kanya-kanyang gusto na guro dahil sa kung paano sila magturo at makikihalubilo sa mga mag-aaral. Kung may gusto hindi rin mawawala ang ayaw sa guro, isa na rito ang pagiging srikto, “KJ”, mainitin ang ulo o madaling magalit. Pero kahit ano pa yan ay maraming mga guro na ginagawa ang lahat para sa kanyang mga estudyante .Ang problema nga lang ay ang mismong mga estudyante ang ayaw matuto. Maraming dahilan kung bakit nasa paaralan ang mga bata. May gustong marating sa buhay, pinipilit ng mga magulang, at ang iba ay pumupunta lang ng walang rason. Iba’t-iba man ang rason ay isa lang ang hadhikain ng mga guro at iyon ay magturo sa mga bata.
Ang pagtuturo ay ang propesyon na nagtuturo sa lahat ng iba pang mga propesyon. Wala kang matatawag na doctor, nurses, engineering, architect, lawyer, at iba pa kung wala ang mga dakilang Guro. Sa lahat na naging guro ko nong  sa simula pa hanggang naging kolehiyo na ako ay Maraming Salamat sa mga kaalaman, karunungan na inyong binahagi sa akin dala-dala ko ito sa aking paglalabay patungo sa aking hinaharap na pagsubok. Image result for buhay ng mga guro
https://www.blogger.com/blogger.g?blogID=7296294530546733158#editor/target=post;postID=5310469440054007874

No comments:

Post a Comment